^

PSN Palaro

Gagapang ang Sta. Lucia at Purefoods

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Isang napakalaking ‘let-down’ na maituturing ang nangyari sa Sta. Lucia Realty at Purefoods TJ Giants sa pagtatapos ng double round eliminations ng PBA-Smart Fiesta Conference kung saan kapwa sila nalaglag sa ‘wild card’ phase. Biruin mo iyon?

Ang Realtors at ang Giants ang siyang nagtagpo sa best-of-seven championship series ng nakaraang Philippine Cup kung saan nakopo ng Sta. Lucia ang titulo. Natural na mataas ang expectations sa kanilang dalawa dito sa Fiesta Conference.

Siyempre hinahangad ng Realtors na maisubi ang ikalawang sunod na kampeonato. Sila ang maituturing na may pinakamalakas na local line-up. Kung madadagdagan sila ng matinding import ay mas matindi sila, hindi ba?

Sa kabilang dako, nais ng Purefoods na makabawi dahil sa kabiguan nitong magkampeon. Itinuturing na may malakas din silang local-line-up at isang mahusay na import na lang ang kailangan upang mangarap na magkampeon.

Pero isang masamang  bangugot nga ang nangyari sa kanila sa elims ng Fiesta Conference.

Para sa Purefoods, bago pa nagsimula ang torneo ay nawalan na sila ng isang manlalaro sa katauhan ni Rommel Adducul na na-diagnosed na may nasal cancer. Hindi naman napalitan si Adducul bagamat nakuha ng Purefoods si Enrico Villanueva sa Magnolia at ipinamigay si Marc Pingris.

Marahil, kung nanatili si Pingris sa line-up ng Purefoods, malaki ang tsansa nilang madomina ang elims ng Fiesta Conference.

Bukod dito’y walang kuwenta ang naunang import ng Purefoods na si Darius Rice na tira lang ng tira at ubod ng bwakaw. So nangapa ulit ang Giants nang palitan ni Reda Rhalimi si Rice.

Sa panig naman ng Realtors, so-so ang kanilang naging simula pero puwede na rin. Kaya lang ay tinoyo ang kanilang import na si Wesley Wilson kung kaya’t pinauwi ito.

Sa paghahanap ng kapalit ay nagkawindang-windang ang performance ng Sta. Lucia. Kaya hayun at nanatili sila sa ibaba ng standings.

Mabuti na lang at mas maganda ang kanilang record kaysa sa na-eliminate na Welcoat Dragons.

So, dahil sa kapwa sila nasa “wild card” phase, isa lang sa Sta. Lucia at Purefoods ang posibleng makausad sa best-of-three quarterfinals. Isa lang ang posibleng makarating pa sa Finals kung susuwertehin.

At least, may pag-asa pa. Tiyak na iyan ang sinasabi ng mga supporters ng Realtors at Giants.

Pero teka, puwede ring pareho silang maagang ma-eliminate.

Iyon ang pinakamasamang puwedeng mangyari sa kanila!

ANG REALTORS

DARIUS RICE

ENRICO VILLANUEVA

FIESTA CONFERENCE

KAYA

LUCIA REALTY

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with