Pacman tutulong sa mga biktima ng bagyong ‘Frank’
Bago pa man ang kan-yang panalo kay Mexican-American David Diaz ay naipangako na ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kanyang tulong para sa mga biktima ng bagyong si “Frank” sa Visayas at Luzon.
Sa isang pa-nayam, sinabi ng bagong World Boxing Council (WBC) light-weight champion na si Pacquiao na isang sorpresa ang kanyang inihahanda para sa mga biktima ni “Frank”.
“Surprise pagdating ko diyan,” wika ng 29-anyos na si Pacquiao mula sa
Naka-takdang umuwi sa bansa ang Team Pacquiao sa Hulyo 4.
Umabot na sa 3 milyon ang mga naging biktima ni “Frank” mula sa 15 rehiyon. Ayon sa National Disaster Coordinating Council, halos 718,457 pamilya o 3,622,958 tao mula sa 5,140 barangays ang naapektuhan ng naturang kalamidad.
Samantala, umaasa naman ang kanyang asawang si Jinkee na isasabit na ni Pacquiao, ang kauna-unahang Asian fighter na naghari sa apat na magkakaibang weight division, ang kan-yang mga boxing gloves matapos ang laban kay Ricky Hatton, ang kasalukuyang world light welter weight titlist, ng Great Britain.
“Gusto lang din niyang makalaban si Hatton, ‘yung isang magaling din. Siguro, after kay Hatton, puwede na siyang mag-pahinga,” wika ni Jinkee kay Pacquiao. “Pero nasa sa kanya pa rin ‘yun kung ano ang gusto niya.”
Ang 29-anyos ring si Hatton ang may hawak sa light welterweight belt ng International Boxing Organization. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending