^

PSN Palaro

Na makalaban: Si Valero, ang mas gusto ni Pacquiao

- Abac Cordero -

LAS VEGAS — Ipinahayag ni Manny Pacquiao na nais niyang isunod si Edwin Valero dahil sa tingin niya mas magaan na kalaban ang eksplosibong WBA super featherweight champion mula sa Venezuela.

“I like to fight him. I like to fight Valero because he is careless on top of the ring,” ani Pacquiao matapos isubi ang ikaapat na world title sa impresibong knockout kay David Diaz noong Linggo.

At bago pa man mata-pos ang gabi, maraming pangalan na ang lumabas para sa posibleng kalaban ni Pacquiao sa Nobyembre kabilang na si Valero at lightweights Ricky Hatton at Joel Casamayor.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank na gusto din niyang si Valero ang susunod na kalabanin ni Pacquiao dahil sa tingin niya ang 26 anyos na Venezuelan, na nagpatulog ng lahat ng kanyang unang 24 na kalaban, ay kasiya-siyang kalaban.

“I think the people will love it because he’s a huge knockout guy. And he can make 135 He’s ‘gonna do it. That’s the fight we’re going to be making, patungkol ni Arum sa magiging laban ni Pacquiao sa Nobyembre.

Gayunpaman, sinabi naman ni Wakee Salud, isa sa advisers ni Pacquiao na ayon sa mana-ger ni Valero na si Akihiko Honda na hindi pa handa ang WBA champion na harapin ang Pinoy 4-time world champion.

“He said Valero doesn’t stand a chance against Pacquiao after seeing him fight Diaz. They want to back off. Besides, Valero needs a little more exposure here before fighting Manny,” ani Salud.

At ito ay taliwas sa pahayag ni Arum na han-da na si Valero na umakyat sa 135 lbs para la-mang makalaban si Pacquiao.

Hindi rin alam ni Pacquiao na ang 26 anyos na si Valero, na ilang beses na naghamon sa Pinoy, ang reigning World Boxing Association super feather weight champion.

“So, he’s a champion?”  patungkol ni Pacquiao kay Valero. Sinabi nito na alam niya ang galaw ni Valero sa ibabaw ng ring dahil minsan na itong nakipag-ispar sa Venezuelan boxer sa Wild Card Gym bagamat hindi na niya matandaan kung kailan ang eksaktong araw.

Sinabi ni Salud na ang Pacquiao vs Casamayor ay isang magandang laban rin, ngunit kailangang alamin muna nila kung ano ang magiging resulta ng laban ng 36 anyos na Cuban kontra kay Juan Manuel Marquez sa Setyembre 13 sa MGM.

Ito ang debut ni Marquez sa lightweight class at iniisip ng dating super-feather-weight champion na dadaigin niya si Casamayor na magi-ging daan niya para sa ikatlong laban kay Pacquiao sa 135 lbs.

Gusto  rin ni Pacquiao si Hatton.

“Whoever is fine with me. It could be Hatton who I can move up to 140 pounds and go for another record,” wika ni  Pacquiao sa loob ng kuwarto niya sa Mandalay Bay Hotel.

Isa sa trainer ni Hatton, si Lee Beard ay nagbigay ng sorpresang pagbisita kay Pacquiao at nagsabing nais lang niyang magpakuha ng larawan sa Pinoy icon at magpapirma sa boxing shorts.

AKIHIKO HONDA

HATTON

PACQUIAO

PINOY

SINABI

VALERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with