^

PSN Palaro

Grandslam isinubi ng Starmen

-

Dinomina ng walang talong Phi­lippine Star ang 1st Prospero Pichay Cup basketball tournament matapos na itakas ang 75-69 panalo laban sa Far Eastern Su­rety & Insurance Inc. sa championship game na idinaos noong Miyerkules ng gabi sa San  Andres Gym sa Manila.

Ito ang ikatlong dikit na ko­rona ng Starmen ngayong taon, matapos na maunang sikwatin ang titulo sa Corpball at MPG tour­naments.

Sa simula pa lang ng laban ay mainit na ang Starmen, tinapos ang anim na  linggong kompetis­yon sa imakuladang 9-0 win-loss slate, nang itarak agad ang 12 puntos na abante sa halftime, 42-30.

Pero sa huling walong minuto bahagyang nanlamig ang Star team na siyang sinamantala na­man ng FESI kung saan umbante pa ito sa 58-57 mu­la sa follow-up basket ni Champ Alastre.

Ngunit agad ding nakareco­ver ang Starmen ng sila naman ang maghulog ng 13-0 bomba na tinampukan ng tig-limang puntos nina Ver Roque at Dennis Ro­driguez upang muling ilayo ang bentahe sa 70-58 may 3:26 ang nalalabi sa laro.

Pinangunahan ni Roque, siya ring nahirang na MVP ang  STAR sa kanyang tinapyas na 20 pun­tos, 12 nito ay mula sa three points area.

Nag-ambag naman sina Ro­driguez ng 19 puntos at 10 naman ang kay Gio Coquilla para sa Star team, habang sa FESI si Romeo Fotue ang nanguna na may 19 puntos.

Naisubi naman ng Philippine National Police ang 3rd place ma­tapos na maungusan ang Poly­mas­ter Industrial, 84-81.

ANDRES GYM

CHAMP ALASTRE

DENNIS RO

FAR EASTERN SU

GIO COQUILLA

SHY

STARMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with