^

PSN Palaro

May ipagmamalaki si Valle

-

CEBU CITY -- Nasolve na ni Gandy Valle ang ‘Lion code’ at natalo niya ang ‘Robocop’ upang matapos na ang kanyang mahabang paghihintay at putungan ang kanyang sarili bilang kampeon ng First Senate President Manny Villar Cup Cebu Leg kahapon sa punum-punong Trade Hall ng SM City Cebu.

Bumangon ang 31-gulang na dating Asian Games gold medalist, sa kanyang opening round loss at nanggaling din sa sakit upang igupo si Alex “The Lion” Pagulayan, 9-4, sa semifinals- ang unang pagkakataon na tinalo niya ang former world champion- bago niya pinabagsak ang kasalukuyang world no.1 na si Dennis ‘Robocop’ Orcollo, 11-5, sa finals.

“Sa wakas,” ang sigaw ni Valle matapos ipasok ang 9-ball sa 16th rack, na nagkaloob sa kanya ng Villar Cup at ang tumataginting P400,000 top prize ng event na hatid ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports, sa pakikipagtulungan ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at sponsored ng Camella Communities.

“Matagal na hindi ako nanalo ng major title kaya masaya ako na nanalo ako sa ganito kalaking tournament,” dagdag ng stalwart ng star-studded Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano. “At para talunin ko ang isang world champion at world No. 1, mas masarap ang panalong ito.”

Matapos matalo sa opening round kay Manolo Tanasas, 9-3 bumangon ito mula sa losers’ bracket sa panalo kina Rene Mar David, 9-5 at isa pang rising star na si Jharome Pena, 9-5, kung saan inatake siya ng sakit ng ulo, para makapasok sa knockout stage.

Sunod niyang tinalo si Achilles Navarra, 9-1, Mike Takayama, 9-7 at Carlo Biado, 9-4, upang itakda ang kanyang laban kontra kay Pagulayan.

Samantala, nakopo ni Bayani Porallo ang titulo sa Class B matapos igupo ang kapwa Cebuano na si Antonio Cusi, 10-7, inangkin naman ni Jun Mark Alegado ang high school division plum matapos talunin si Elihil Pepito, 9-3 habang pinabagsak ni Jerson Cumayas si Joshua Ababon, 7-2, para sa Elementary crown.

vuukle comment

ACHILLES NAVARRA

ANTONIO CUSI

ASIAN GAMES

BAYANI PORALLO

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BUGSY PROMOTIONS

CAMELLA COMMUNITIES

CARLO BIADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with