Tatlong Pinoy na sina Antonio “Nikoy” Lining, Roel Esquillo at Crisencio “Ato” Baliton ang makikipagsapalaran sa ilang serye ng torneo sa Japan simula sa susunod na Linggo.
Ang mga Pinoy ay papagitna sa Kyousho Open sa Hunyo 15-16 sa Fukuoka bago magtungo sa Tokyo para sa annual Nine Ball Festival sa Hunyo 21-22 na may premyong P280,000 sa magkakampeon.
“We hope to perform well in Japan Circuit,” sabi ni Japan-based veteran international campaigner Esquillo, na nakapasok sa quarterfinals sa Japan Open sa taong ito na dinomina ng kababayang sina Dennis Orcollo at Ronato Alcano, ayon sa pagkakasunod.
“We train hard for this event (Japan Circuit), we expect a good results,” dagdag naman ni Baliton, ang 2006 Astro Open at TPCC Open Champion sa Japan.
Tampok din sina Lining, Esquillo at Baliton sa paglahok sa Shikoku Open sa Hunyo 28-29 sa Osaka at susunod na torneo din na naka-linya ang 14.1 championships sa Hulyo 19-21 sa Tokyo kung saan si Lining ang defending 14.1 champion.