^

PSN Palaro

Ulboc umagaw ng eksena

-

Kung mayroon mang umagaw ng eksena sa matamlay na pagtatapos ng 2008 National Open Track and Field Championships, ito ay ang bagitong si Christopher Ulboc, Jr. ng Far Eastern University.

Itinakbo ng 17-anyos na si Ulboc ang kanyang ikatlong gintong medalya matapos mamahala sa boys’ 1,000 meter run sa bilis na 33:29.6 para talunin sina Art Thomas Fronda ng University of the Philippines (36:15.8) at Benny Corpuz ng Centrex (36:50.9).

Dalawang gold medal ang iniuwi ni Ulboc, tubong Tangub City, Misamis Occidental, sa boys’ 5,000 at 10,000m run sa nakaraang 2008 Palarong Pambansa sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nauna nang dinomina ni Ulboc ang labanan sa 300m steeplechase at 5,000m run sa nasabing three day event kung saan naglahok ang Korea ng 6 atleta, habang may tig-7 ang Malaysia at Indonesia at 5 sa Hong Kong.

Sa naturang bilang ng mga atleta, umagaw ng ginto sina Min-Jung Choi, Jeong-Gwon Lee at Dae-Young Ko sa women’s 5,000m run, men’s hammer throw at men’s triple jump event, ayon sa pagkakasunod.

Bukod kay Ulboc, kumuha rin ng gintong medalya si national team mainstay Arneil Ferrera ng Philippine Air Force nang manguna sa paboritong discuss throw event sa hagis na 44.47m at biguin ang katropang si Nixon Mas (43.59) at si Romero Jonald  ng Heath Team (37.46).

Katulad ni Ferrera, nangibabaw rin si national team member Julius Sermona ng PAF sa men’s 10,000m run sa tiyempong 31.39.0 para sa gold medal kasunod sina Juniel Languido (32.28.6) at Gerald Sabal (32.52.8) ng Nike.

Ang iba pang umani ng gintong medalya sa kani-kanilang events ay sina Luville Datoon ng TMS Ship Agencies sa women’s triple jump (11.50), Florida Gonzales ng FEU sa women’s 1,000m walk (59:23.05), Isidro del Prado Jr. ng DLSU-CSB sa boy’s 400m run (49.51), Julius Felicisimo Nierras, Jr. ng PAF men’s 400m run (48.24) at si Itunu Kuku ng Ateneo sa men’s high jump (1.85). (Russell Cadayona)

ARNEIL FERRERA

ART THOMAS FRONDA

BENNY CORPUZ

CHRISTOPHER ULBOC

ULBOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with