Matupad kaya ang pangarap ni Gorres?

Nakasalalay sa kanyang panalo sa isang Kenyan bantamweight ang hinahangad na title shot ni Filipino super flyweight champion Z “The Dream” Gorres.

“Kapag nanalo ako sa laban ko dito, malaki ang chance ko na makakuha ulit ng isang title shot kung sinuman ang manalo kina Dimitri Kirilov at Vic Darchinyan,” sabi kahapon ni Gorres, sasagupa Nick Otieno ng Kenya sa 10-round, non-title fight ngayong gabi sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino.

Ipagtatanggol ni Kirilov ng Russia  ang kanyang tangan na World Boxing Council (WBC) super flyweight title laban kay Darchinyan ng Armenia sa Agosto 2 sa United States.

Ibinabandera ni Gorres ang 27-2-2 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs at iaakyat  ni Otieno, ang Universal Boxing Organization (UBO) bantamweight titlist, ang 15-1-0 (5 KOs) card.(RCadayona)

Show comments