^

PSN Palaro

Tigers tumatag sa liderato

-

Nagdeliber ng mahahalagang puntos ang 6-foot-10 import na si Jason Dixon na kumamada ng 26 puntos, 14 rito ay sa fourth quarter bukod pa sa18 rebounds, 2 steals at 1 shotblock upang ihatid ang Coca-Cola sa 94-87 win kontra Welcoat.

Ang panalong ito na nagsulong sa Tigers sa 8-4 panalo-talo ay nagpahigpit ng kanilang  kapit sa liderato sa 2008 PBA Fiesta Conference kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Matapos itabla ng Welcoat ang iskor sa 85-all, dalawang freethrows at isang jumper ni Dixon ang muling naglayo sa Tigers sa 89-86 sa 1:18 ng labanan bago ang tatlong charities ni rookie Ronjay Buenafe para iwanan ang Dragons sa 92-87 sa natitirang 9.0 segundo.

Nabaon naman sa pangungulelat ang Welcoat matapos malasap ang ikasiyam na talo sa 12-laro.

 Kasalukuyan pang naglalaro ang Alaska (5-6) at ang Purefoods (5-5) habang isinusulat ito.

Maghaharap naman ang Magnolia (5-6) at Talk N Text (7-5) sa Puerto Princesa City Coliseum ngayong alas-4:30 ng hapon.

FIESTA CONFERENCE

JASON DIXON

PUERTO PRINCESA CITY COLISEUM

RONJAY BUENAFE

TALK N TEXT

WELCOAT

YNARES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with