Eugene Tejada, Naglalakad Na Uli
Sa simula ng linggong ito, umaangal ako dahil napakasakit ng katawan ko. Ilang taon na rin akong hindi bumabalik sa gym upang makapag-work-out. Siyempre, nabigla ang katawan ko. Parang ang daling umayaw.
Tapos, nagpadala ng e-mail si Eugene Tejada.
Kung inyong magugunita, noong Mother’s Day, 2006, naaksidente si Eugene sa laban ng Purefoods at Red Bull sa Ynares Center sa Antipolo. Naparalisa siya’t natigil sa paglalaro. Umuwi siya sa
Noong nakaraang Nobyembre, nakapanayam ko si Tejada sa kanyang tahanan sa
Kaya laking gulat ko nang dumating sa aking e-mail ang padala niyang link sa kanyang video sa YouTube (http://youtube.com/watch?v=DJ_T7DmHXSg), na nagtala ng kanyang pag-unlad sa rehab.
Ipinakita doon ang una niyang punta, na hindi pa man lang kayang gamitin ang kanyang kanang kamay, at ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa mga nakaraang buwan.
“Things are going really well. Ive been blessed. I’m finally feel like things are getting back to normal,” sabi ni Tejada sa kanyang e-mail sa akin.
Sa bandang huli ng video, ipinakita si
Sa katapusan, nakakatayo na si
Ngayon, kaya na niyang maglakad sa normal na bilis, sa tulong ng crutches. Napakabilis ng kanyang pagbabalik sa normal na buhay, lalo na pag naalala nating may bakal, turnilyo at alambreng nakabaon na sa dalawang lugar sa kanyang likod.
“My trainers have been pushing me very hard, to my physical limits,” dagdag ni Tejada. “For the first time since the accident, I feel like an athlete again.”
Halos maluha ako nang mapanood ko ang video. Eto ako’t nagrereklamo sa konting sakit ng kalamnan, samantalang ang tulad ni Eugene Tejada, araw-araw nakikipaglaban para lamang mabawi ang kakayahan niyang maglakad.
- Latest
- Trending