^

PSN Palaro

Bulls kakapit sa liderato

-

Makabawi sa nakaraang pagkatalo upang humigpit ang kapit sa liderato ang pakay ng Red Bull na sasagupa ngayon sa CocaCola na magpaparada ng bagong import sa pag-usad ng PBA Fiesta Conference sa Ynares Centre sa Antipolo City.

Nasa liderato ang Red Bull taglay ang 7-3 win-loss slate kasunod ang Talk N Text na may 7-4 record.

Kahit maganda ang ipinakita ni import Gee Gervin, nagdesisyon ang Coke na palitan ito dahil naging ‘available’ na ang kanilang first choice na si Donald Copeland.

Inaasahang ipaparada ng Tigers, may 6-4 record katabla ang Air21, ang 5-foot-10 na si Copeland bilang kapalit ni Gervin na pumalit  naman sa na-injured na si Calvin Cage.

Sa ikalawang laro, maghaharap naman ang Sta. Lucia Realty at ang Welcoat sa alas-7:20 ng gabing sagupaan.

Taglay ng Realtors ang 5-4 kartada habang ang Welcoat ay ikalawa mula sa ilalim ng standings sa kanilang 3-7 marka.

Pare-parehong talo ang apat na teams na ito sa kani-kanilang nakaraang asignatura.

Natalo ang Coke sa Air21, 88-104, yumukod ang Red Bull sa Alaska, 90-101, sumadsad ang Realtors sa Phone Pals, 80-90, at  bumagsak ang Dragons sa Ginebra, 70-105.(MBalbuena)

vuukle comment

CALVIN CAGE

DONALD COPELAND

FIESTA CONFERENCE

GEE GERVIN

LUCIA REALTY

PHONE PALS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with