Bumangon ang bagong World Pool Masters champion na si Alex Pagulayan mula sa kanyang 22-rack deficit upang igupo ang reigning world 10-ball champion na si Shane Van Boening sa kanilang kapanapanabik na winner-take-all race-to-100 match sa TheActionReport.com TARPIT 2008 BCAPL Nationals sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Nanalo si Pagulayan, 100-94 upang ibulsa ang $20,000 prize money sa kanilang dalawang araw na labanan.
Bunga ng panalong ito, ang 2004 World Pool (9-Ball) Championship titlist na si Pagulayan ay mayroon nang kabuuang $40,000, kabilang ang $20,000 sa kanyang tagumpay sa nakaraang World Pool Masters tourney, sa kanyang US-stint.
Maaari pang madagdagan ang ipon ni Pagulayan sa paglahok nito sa Predator International 10-Ball championships sa Las Vegas din kung saan kasama niyang kakampanya ang kanyang mga kapwa Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) members na sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Lee Van Corteza, Warren Kiamco at Ramil Gallego.