RP athletes dapat nang salain

Panahon na para matukoy kung sinong mga atleta ang dapat pang manatili sa national pool at kung sino ang nararapat nang tanggalin.

Ayon kay Philippine Sports Commissioner Richie Garcia, gusto lang nilang maibigay sa mga medal winners ang sapat na suporta na napupunta pa sa mga ‘non-performing’ athletes.

“Ihihiwalay natin ang mga medalists doon sa mga non-medalists at doon natin titing-nan kung sino ‘yung mga puwedeng tanggalin at kung sino ‘yung mga puwede nating i-retain doon sa national pool,” ani Garcia kahapon.

Pinulong na kamakailan ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang mga pangulo ng iba’t ibang National Sports Associations (NSA)s para sa naturang hakbang na sinupor-tahan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr.

Gumagasta ang sports commission ng P25,000 para sa allowance at pagkain ng isang national athlete bawat buwan, ayon kay Garcia.

Idinagdag pa ng Commissioner na ang isang atletang nabigong makakuha ng gin-tong medalya sa loob ng dala-wang taon o sa dalawang edisyon ng Southeast Asian Games ay dapat nang ilaglag mula sa national pool.

“Itong mga maiiwan sa national pool will then be given enough support para hindi naman masabing nagkulang tayo sa pagkain, sa allowance,” ani Garcia. “Mas mabuti pa ‘yung kakaunti ang mga nasa pool mo para mabigyan mo ng lahat ng suporta and hoping that they will be able to perform rather than marami ngang atleta, hindi mo naman mabigyan ng sapat na suporta.” (RCadayona)

Show comments