^

PSN Palaro

RP Davis Cuppers bigo

-

Winakasan na ng mga Uzbeks ang natitira pa mang tsansa ng mga Filipino netters.

Humataw si world-ranked No. 156 Dennis Istomin ng kumbinsidong straight sets victory kontra kay Fil-American Cecil Mamiit, 6-3, 6-0, 6-4, sa reverse singles para ibigay sa Uzbekistan ang 3-2 panalo kontra Philippine Team sa first round playoff ng 2008 Asia Oceania Zone Group I Davis Cup kahapon sa Philippine Columbian Association (PCA) indoor courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Ang naturang pananaig ng 6-foot-1 na si Istomin ang naglagay sa laro ng 19-anyos na si Vaja Uzakov, pumalit kay Farrukh Dustov, kontra kay Fil-Am Eric Taino sa isang ‘no bearing’ match.

Binigo ni Taino si Uzakov, 6-4, 6-4, upang tapusin ang duwelo ng mga Uzbeks at Filipino netters sa 3-2.

Aminado ang 5’8 na si Mamiit, No. 522 sa mundo, na lubhang malakas at mahusay ang 21-anyos na si Istomin, nakilala sa world tennis scene sa pakikipaglaban kina world No. 1 Roger Federer ng Sweden at Lleyton Hewitt ng Australia.

“He’s been playing really well and I have a tough time getting the breaks,” sabi ng 31-anyos na si Mamiit. “There are ups and downs.  The momentum just keeps on shifting and it could have gone the other way. I gave it all I could but he’s just too strong.  It was a really tough match.” 

Sa kabila ng kanyang panalo kay Mamiit, namuno sa 0-5 pagyukod ng RP Team sa Japan noong Pebrero sa Rizal Memorial Tennis Center, sa loob ng isang oras at 58 minuto, hindi pa rin kuntento si Istomin.

Sa nasabing pagkatalo sa Uzbekistan na mananatili sa Group 1, haharapin ng RP Team ang matatalo sa pagitan ng Kazakhstan at Chinese-Taipei sa second round kung saan ang mabibigo naman ay mahuhulog sa Group II sa 2009. (RCadayona)

ASIA OCEANIA ZONE GROUP I DAVIS CUP

DENNIS ISTOMIN

FARRUKH DUSTOV

FIL-AM ERIC TAINO

ISTOMIN

MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with