^

PSN Palaro

Lady Tams sisimulan ang kampanya vs Blazers sa Shakey’s V-League

-

Pagkakataon na ng Far Eastern U na magpakitang gilas matapos ang kanilang tagumpay sa UAAP sa pakikipagharap sa St. Benilde habang sasagupain naman ng Adamson ang Lyceum sa pagbabalik aksiyon ng women’s volleyball sa Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan ngayon.

Naungusan ng Lady Tams ang Falcons sa kapana-panabik na sudden death sa kanilang best-of-three series  para makopo ang UAAP title  kamakailan lamang at inaasahang papasikla-ban nila ang baguhang St. Benilde sa alas-4:00 ng hapon.

Lumasap ang Bla-zers ng straight-set loss sa bigating San Sebas-tian, 25-11, 25-18, 25-23, noong opening day noong Linggo ngunit inaa-sahang babawi ang Blazers sa tulong nina Doreen Sanchez, Katty Kwan, Giza Yumang at guest player Lilet Mabbayad.

Hindi lalaro si veteran Rachel Ann Daquis para sa FEU ngayon ngunit paborito pa rin ang Lady Tams na inaasahang tu-tulungan nina Anna Ca-mille Abanto, Rose Ann Taganas at Wendy Ann Semana para sa kanilang kampanya sa torneong ito na sponsored ng Shakey’s Pizza at organized ng Sports Vision.

“We will try to do with what we have.  At the same time, I’ll give my other role players the chance to shine,” ani FEU coach Nes Pamilar.

Pinapaborang mana-lo ang Adamson sa Lyceum sa alas-2:00 ng hapong laban kung saan babande-ra ang guest player na si Neriza Bautista katulong sina Jacqueline So, Rissa Jane Laguilles at Janet Serafica. (MBalbuena)

vuukle comment

ADAMSON

ANNA CA

DOREEN SANCHEZ

FAR EASTERN U

GIZA YUMANG

JACQUELINE SO

JANET SERAFICA

LADY TAMS

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with