Aalis bukas ang Har-bour Centre upang maki-bahagi sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) basketball championship at ang kanilang tagumpay ay isang magandang pabaon para sa kanilang pagdedepensa ng titulo ng bansa.
Sasagupain ng mga Batang Pier ang bigating Burger King sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon tangka ang ikawalong sunod na panalo sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa ikalawang round.
Naitala ng Harbour Centre ang kanilang pi-nakamagandang simula na 7-0 at nais nila itong higitan sa pakikipagharap sa Burger Whoppers na nais namang makakawala sa three-way logjam sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.
Katabla ng Burger King sa 5-3 record ang Hapee Toothpaste at ang Pharex sa likod ng nangu-ngunang Batang Pier.
Impresibong laro ang ipinamalas ng Harbour Centre sa kanilang huling dalawang laro sa kanilang average winning margin na 19.5 points at ito ayon kay coach George Gallent ay dahil sa kanilang maturity, depth at discipline.
Magsasagupa naman ang Toyota Otis at ang Bacchus Energy Drink sa alas-2:00 ng hapon.
Hangad ng Bacchus na iangat ang 3-5 kartada at ipagpatuloy ang domi-nasyon sa Toyota na tinalo nila sa unang dalawang paghaharap.
Bagamat may 2-5 kartada katabla ang San Mig Coffee, mataas ang morale ng Toyota Sparks na galing sa dalawang sunod na panalo matapos mabokya sa kanilang unang 5-laro. (MB)