^

PSN Palaro

6 Luzon qualifier pa-Boracay

-

Ang Far Eastern University, Philippine Christian University at ang University of Perpetual Help-Dalta sa men’s class at ang Adam-son University, FEU at Lyceum of the Philippines na-man sa women’s division.

Ang anim na koponan ay bibiyahe patungo sa national championships sa Boracay sa Abril 24-26.

Iginupo nina Jerry Mabutol at Edjet Mabbayad ng FEU sina Jhester Tuante at Gabriel Usman ng Philippine Christian University, 21-13, 21-9, sa finals ng men’s category, samantalang binigo naman nina Rizza Jane Laguilles at Angela Benting ng Adamson sina Wendy Ann Semana at Shaira Gonzales ng FEU, 21-17, 19-21, 15-7, sa Luzon eliminations ng 12th Nestea Beach Volley kahapon sa Island Cove Resort and Leisure sa Cavite City. 

“Excited since first time naming magkasama sa Nestea tapos makakapun-ta pa kami kaagad sa Bora-cay,” wika ng 6-foot-2 na si Mabutol, ang top scorer sa UAAP beach volleyball tournament na pinagharian ng mga Tamaraws.

Matapos matalo sa St. Benilde sa quarterfinals, kumayod ng dalawang sunod na panalo ang FEU para makuha ang korona sa Luzon eliminations.

Makakasabay nina Ma-butol at Mabbayad ng FEU sa biyahe sa Boracay sina Tuante at Usman ng PCU at sina Aristian Sartin at Marcelo Joaquin, Jr. ng  Perpetual Help, tumalo kina Angelo Espiritu at Eddie Macdon ng St. Benilde, 21-16, 21-17, para sa ikatlo at huling tiket.

Makakasama nina Laguilles at Benting ng Adamson sa Boracay sina Semana at Gonzales ng FEU at  Dahlia Cruz at Syvie Gay Artales ng Lyceum, gumitla kina Cathlea Villaluz at Charmaine Sanchez ng PCU, 21-14, 23-21.    

Ang Visayas elims ay hahataw naman sa Abril 8-10 sa University of St. La Salle sa Bacolod City. (RCadayona)

ABRIL

ADAMSON

ANG FAR EASTERN UNIVERSITY

BORACAY

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with