Fighting Maroons hinugot si Kaw
MANILA, Philippines — Nagdagdag ng puwersa ang University of the Philippines upang paghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa susunod na buwan.
Tinapik ng UP ang serbisyo ng point guard na si Ethan Kaw para makatulong sa opensa at mas maging mabilis ang koponan sa pag ikot ng bola.
Ipaparada ng Fighting Maroons si Kaw sa simula ng UAAP sa Setyembre 12 sa MOA sa Pasay City.
Naglaro si Kaw sa high school sa Saint Jude Catholic School bago naging Ateneo Blue Eaglets.
Magiging bentahe ni Kaw ang kanyang taas na 6’0 dahil lalaro ito bilang point guard para sa UP.
Bukod sa pagiging kamador ni Kaw ay may tira pa ito sa labas na paniguradong magpapahirap sa mga makakalaban nila sa sa kanilang kampanya.
Kaya naman inaasahang isa sa magiging team-to-beat ang Fighting Maroons sa premier collegiate cage league.
Ayon kay Kaw, simple lang ang nasa kukote niya, ang magkaroon ng bagong exeperience sa bagong ginagalawan bilang atleta.
- Latest





















