Go Django!
Binalikan ni Francisco ‘Django’ Bustamante ang kanyang dating porma na naging dahilan para kilalanin ito bilang isa sa world’s top-ranked cue artist upang pigilan ang paninilat ni Carlo Biado at Russian Petiza.
Dahil dito ay nanatiling walang talo si Bustamante at higit sa lahat ay nakalapit sa San Miguel Beer-Quezon City 9-Ball Championship na nagpatuloy kahapon sa napunong activity center ng Trinoma Mall sa
Sa sunud-sunod na pagkabigo ng kanyang mga kasabayang beterano at dating world champion, siniguro ni Bustamante na hindi rin niya sasapitin ang parehong kapalaran.
Nagpamalas ito ng A-game upang igupo si Biado, 9-4, at Petiza, 9-7, at iposte ang kanyang ika-apat na panalo para maging isa sa natitirang dalawang players na walang talo sa unang major pool event ng bansa sa taong ito na hatid ng San Miguel Beer sa pakikipagtulungan ng Quezon City government sa ilalim ni Mayor Sonny Belmonte.
Nasibak na sina former world champions Efren ‘Bata’ Reyes, Alex Pagu-layan at Ronnie Alcano sa event na ito na coorganized ng Bugsy Promotions, Puyat Sports at Negros Billiards Stable.
Nauna rito, nakauna naman si veteran internationalist Ramil Gallego sa semifinal matapos magposte ng apat na panalo nang kanyang igupo ang newly-crowned Kyoto 9-Ball Open champion Dondon Razalan, 9-5, sa labang ginanap sa Paeng’s Skybowl sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.
“Grabeng hirap,” ani Bustamante, 44-gulang na future hall of famer. “Ang gagaling na ng mga bata ngayon. Mabuti na lang ina-yunan ako ng bola. Hopefully, makuha ko itong tournament na dahil siguradong gagaling pa ‘yang mga batang ‘yan ‘pag ginawan mo ng maraming tournament na kagaya nito.”
Naging maingat si Bustamante sa kanyang mga tira laban kay Biado na sumibak kina Reyes at Alcano.
“Kilala ko ‘yang batang ‘yan (Biado) na isa sa pinakamagaling na bagong player ngayon, at alam ko kung gaano s’ya kagaling, kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataon na dumiin, diniinan ko na talaga. Mabuti na lang laging may hulog sa break at maganda ang latag ng bola,” aniya.
- Latest
- Trending