La Salle vs Ateneo: Easter treat ng PBA

Intensibong laban ang inaasahan ng mga organizers ng 1st PBA Ateneo vs. La Salle showdown ngunit umaasa silang hindi na ulit magkakaroon ng gulo tulad nang ganapin ang kanilang exhibiton game, dalawang taon na ang nakakaraan.

Nakatakda ang sagupaan ng magkaribal na eskuwelahan sa  March 23 duel sa Araneta Coliseum na sponsored ng Yakult Health Drink at dahil proyekto ito ng PBA, gagamitin ang mga rules ng pro league.     

”Since it is an officially PBA sanctioned event, then the game will be played under the same rules as the PBA,” ani league Executive Director Rickie Santos. “Meaning if a player is assessed a flagrant 2 foul and ejected out of the game for an automatic suspension, chances are he’ll be serving out the suspension by the coming Fiesta Conference.”   

Ang kikitain sa alas-4:00 ng hapon laban na mapapanood sa Studio 23 ay mapupunta sa PBA Players’ Educational Trustfund. Ang mga maglalaro ay mga dating players ng Ateneo at La Salle na active players sasa PBA.

Muntik nang humantong sa free for all ang Ateneo-La Salle exhibition showdown noong 2005 sa Big Dome din nang magpang-abot sina Archer Joseph Yeo at Blue Eagle Enrico Villanueva.

Sinuntok ni Yeo sa ilong si Villanueva, dating UAAP Most Valuable Player, na duguang lumabas ng court. Nagbanta ng walk-out ang  Ateneo ngunit itinuloy din ang laro at pumukol si Villanueva ng nagpanalong triple, 85-82.

Magbabalik sa Ateneo si Villanueva na sasamahan nina Larry Fonacier, Paolo Bugia, Gec Chia, Doug Kramer, JC Intal, LA Tenorio, Wesley Gonzales, Macky Escalona, Magnum Membrere at Olsen Racela na mamanduhan ng Ate-nista ring si Talk ‘N Text mentor Chot Reyes. 

Kasama din si Yeo sa La Salle team na kinabibilangan nina Mack Cardona, Carlo Sharma, Mike Cortez, RenRen Ritualo,Adonis Sta. Maria, Don Allado, Mark Telan, JR Aquino, Ryan Arana, Junjun Caba-tu atWillie Wilson sa ilalim ng La-salista ring si Barangay Ginebra coach Jong Uichico.

Show comments