Lightweight class kaya ni Pacquiao — Salud
Isang dating opisyal ng World Boxing Council (WBC) at isang anak ng maalamat na Filipino fighter ang naniniwalang makakaya ni Filipino boxing super featherweight champion Manny Pacquiao ang laba-nan sa lightweight division.
Ayon kay Atty. Rudy Salud, tumayong secretary-general ng WBC, may tsansa rin ang 29-anyos na si Pacquiao na makuha ang korona sa lightweight class.
“I think he has a good chance of winning the lightweight title if he will move up to that weight division,” ani Salud kahapon kay Pac-quiao. “In due time rin siguro baka puwede rin siya sa 140 pounds fighting the likes of Ricky Hatton.”
Umiskor si Pacquiao ng isang split decision upang agawin sa 34-anyos na si Juan Manuel Marquez ang WBC super featherweight belt kamakalawa sa
Katulad ni Salud, kumpiyansa rin si Gabriel “Bebot” Elorde, anak ng maalamat na si Gabriel “Flash” Elorde, sa tsansa ni Pacquiao sa lightweight category.
“Iba talaga ang tapang at bilis ni Manny. Kaya lang kapag umakyat na siya sa lightweight, iba na ang bigat ng mga suntok,” ani Elorde. “Pero sa tingin ko naman kaya rin niya sa lightweight.”
Matapos si Marquez, ang WBC lightweight crown ni David Diaz ang target. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending