Itataya ng defending champion Harbour Centre ang malinis na kartada sa pakikipagharap saToyota Otis habang ikatlong sunod na panalo naman ang pakay ng Bacchus Energy Drink sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup na magbabalik sa Rizal Memorial Coliseum.
Matapos ang apat na sunod na panalo, ang pinakahuli ay ang 83-72 win tagumpay laban sa Burger King-- pinapaborang manalo ang mga Batang Pier kontra sa Toyota Otis Sparks sa kanilang alas-4:00 ng hapong sagupaan.
Pinapaboran ding manalo ang Bacchus Raiders laban sa Burger Whoppers dahil galing sila sa back-to-back wins, ang huli ay ang 68-61 panalo laban sa Toyota Otis noong Sabado.
May pangamba si Harbour coach Geroge Gallent sa kanilang laban ngayon kahit na nangunguelat ang Toyota dahil wala pa silang panalo sa apat na laro tulad ng Nokia RP Youth team.
“They (Toyota) might be waiting for the right time to notch their first win and I don’t want that we will be their first victim. Besides I have a high respect to their organization.”
Mauuna rito ay ang sagupaan ng Burger King at Bacchus sa alas-2:00 ng hapon.
Taglay ng Burger King ang 3-2 win-loss slate katabla ang Pharex Medics sa likod ng nangungunang Harbour Centre at pumapangalawang Medics.