Balik-tanaw kay Jun Limpot
Maganda siguro kung hindi pa nagretiro si Zandro Limpot bago nagsimula ang 2007-08 season ng Philippine Basketball Association.
Kasi, kung bahagi pa siya ng Purefoods Tender Juicy Gants at ito ang kanyang huling taon bilang manlalaro sa pro league, aba’y makakalaban
Kung magugunita, ito’ng si Limpot ay kinuha ng Sta. Lucia bilang No. 1 pick sa 1993 Draft matapos na mabili ang prangkisa ng Great Taste. Matindi kaagad ang line-up ng Sta. Lucia
Pero nahirapan kaagad na makaalagwa ang Realtors bagamat palagi silang nakakalaban para sa ikatlong puwesto.
Pitong taong naging “main man” ng Realtors si Limpot pero sa panahong iyon ay hindi kailanman nakatikim ng kampeonato ang Sta. Lucia. Kaya nga may nagsasabi
Ipinamigay ng Sta. Lucia si Limpot sa Barangay Ginebra at kinuhang kapalit si Marlou Aquino. Hindi naglaon ay nakamtan nga ng Sta. Lucia ang kanilang kauna-unahang titulo nang talunin ng Realtors sa 2001 Finals ang San Miguel Beer.
Natural na lalong lulugo-lugo si Limpot dahil doon. Nang sumunod na season ay ipinamigay naman ng Gin Kings si Limpot sa Purefoods kapalit nina Andy Seigle at Rodney Santos. Matapos ang trade na iyon, nagwaging back-to-back titles ang Barangay Ginebra.
Well, hindi naman nagretirong luhaan si Limpot. Natapos ang kanyang paghihintay noong 2005-06 season ng PBA nang talunin ng Purefoods ang Red Bull sa Finals ng Philippine Cup. Iyon ang una’t huling kampeonatong natikman ni Limpot bilang isang manlalaro.
At kahit na napaso ang kanyang kontrata sa pagtatapos ng season na iyon ay binigyan siya ng one-year extension ng Pure-foods. Kaya lang ay halos hindi na rin siya nakapaglaro dahil sa palagi siyang may injury. Kaya naman nagretiro na siya sa katapusan ng 2006-07 season. Sayang, ‘di po ba?
Kung naglalaro si Limpot gayon, malamang na mayroon siiyang additional insentibo sa sarili. Kasi kung ito ang kan-yang huling season at kalaban niya ang kanyang unang team, parang “statement” siyang nais na iparating sa Sta. Lucia.
Well, tapos na ang lahat, e.
Kahit paano nama’y satisfied na rin si Limpot sa kanyang PBA career.
- Latest
- Trending















