^

PSN Palaro

FEU umiskor ng dobleng tagumpay sa UAAP football

-

Nagpakita ng husay ang Far Eastern University sa penalty shootout upang igupo ang La Salle, 4-1, at makopo ang ikalawang sunod na titulo sa UAAP women’s football field sa Ateneo field kamakailan.

Nagningning sina tournament MVP Ruchelle Latap, Jayneth Mercado, Karol Barrientos at Airene Decena nang kunin ang Lady Tams ang 4-of-4 shootout.

Nadoble naman ang tagumpay ng FEU nang maungusan ng Tamaraws ang Ateneo, 1-0 para sa kauna-unahang titulo sa men’s football makalipas ang 28 taon.

Umiskor si Glester Sobremisana ng natatanging goal ng laro sa 27th minute nang laruin ng Tamaraws ang malinis na depensa upang makabangon mula sa kanilang 0-2 kabiguan kontra sa Blue Booters noong opening.

Tinanghal na MVP si Francis Gustillo ng FEU.

Sa baseball, naungusan ng University of the Philippines ang Adamson, 7-5, para ipuwersa ang rubber match sa kanilang Final Four showdown sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Makakaharap ng 3rd ranked Fighting Maroons ang No. 4 Falcons sa ‘do-or-die’ match sa Linggo kung saan ang magwawagi ay makakalaban ang maagang nasa finals na University of Santo Tomas.

AIRENE DECENA

ATENEO

BLUE BOOTERS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIGHTING MAROONS

FINAL FOUR

FRANCIS GUSTILLO

GLESTER SOBREMISANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with