Timbang ‘di problema ni Pacman

Walang dapat alalahanin tungkol sa timbang ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao halos dalawang buwan bago ang kanilang rematch ni Mexican world super featherweight champion Juan Manuel Marquez.

  Sinabi kahapon ni Filipino nutritionist Nonoy Neri na hindi na bago pa-ra sa 29-anyos na si Pacquiao ang pagpapababa sa kanyang timbang. 

“Manny wil be fine. We’ve heard those concerns before, during the Barrera rematch last year, and Manny was able to come out OK,” ani Neri.

Kamakalawa ay inumpisahan na nina Pacquiao at American trainer Freddie Roach ang maigting na preparasyon sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Sa kabila ng ubo, tuluy-tuloy pa rin ang ensa-yo ng tubong General Santos City para sa kanilang rematch ng 34-anyos na si Marquez, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) super featherweight king.

Matapos umiskor ng isang unanimous decision laban kay dating world champion Marco Antonio Barrera sa kanilang rematch no-ong Oktubre 6, nagpahi-nga ng husto si Pacquiao.

Kasama na rito ang Christmas break ng pamilya ni Pacquiao sa Boracay noong Disyembre kasabay naman ng pagsasanay ni Marquez sa La Romanza Boxing Gym sa Mexico.

“Manny always takes care of business,” wika ni Neri, kasama si Jeff De Guzman, ang personal na physical therapist ni “Pacman”.

(R.cadayona)

Show comments