Bunga ng kabiguan ni New Zealand referee Lance Revill na kontrolin ang laban nina Filipino fighter Z “The Dream” Gorres at da-ting Armenian world flyweight champion Vic Darchinyan, magsasampa ng protesta si American promoter Gary Shaw sa International Boxing Federation.
Nauwi sa isang kontrobersyal na draw ang nasabing world super flyweight title eliminator nina Gorres at Darchinyan noong Sabado ng gabi sa Waterfront Cebu City Hotel.
“The referee had never done a world title fight outside New Zealand and I think he felt the pressure of the hostile environment in the first round and it affected the way he officiated the next 11 rounds, missing two clear knock-downs,” ani Shaw.
Nakakuha ang 24-anyos na si Gorres ng 113-112 puntos mula kay Thai judge Montol Suriyachand, habang 114-112 ang na-tanggap ng 32-anyos na si Darchinyan kay Filipino judge Jonathan Davis at 113-113 buhat kay Australian arbiter Cec Perkins.
Pinabagsak ni Gorres, may 27-2-2 win-loss-draw ring record ngayon kasama ang 15 KOs, si Darchinyan (29-1-1, 23 KOs) sa ikalawang round matapos na ring mapaluhod sa first round at sa ninth round.
“I think it also affected the Thai judge who scored the 10th and 11th rounds (for Gorres) which were clearly Vic’s rounds on the scorecards of the other officials, he was the dissenter,” ani Shaw, tumatayong promoter ni Darchinyan at ni IBF at International Boxing Organization (IBO) flyweight titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. “I don’t know how the Australian judge could see the fight even. I think he may have been feeling the environment as well.”
Pinaulanan ng Cebuano crowd ang boxing ring ng mga bote ng mineral water matapos ang laban kung saan isa ang tumama sa ulo ng trainer ni Darchinyan na si Billy Hussein.
Hindi pa alam ni Shaw kung magtatakda siya ng rematch nina Gorres at Darchinyan, kapwa umaasang makakalaban si IBF super flyweight king Dimitri Kirilov ng Russia. (Russell Cadayona)