Mabigat ang laban ni Tipon kontra kay Petchkoom
BANGKOK - Pinapaboran ang Thai ace na si Worapoj Petchkoom laban kay Joan Tipon sa kanilang sagupaan para sa Olympic berth sa semifinal round ng bantamweight division dito bukas.
Tinalo ng 26-gulang na si Petchkoom, ang natitirang Filipino sa first AIBA Asian Boxing Olympic Qualifying tournament na ito sa kanilang huling pagkikita sa World Championships sa
At sa tulong ng crowd sa
“I expect to win,” ani Petchkoom na dumaan sa fight venue kahapon habang ginamit ni Tipon ang unang araw sa kanyang three-day break training sa Thai-Japan boxing gym.
“I’m feeling good, no problem,” ani Petchkoom. “But I want to be in my best shape and form by Friday.”
Angat si Petchkoom sa 2-1 edge sa kanilang head-to-head ng Filipino champion kung saan nanalo ito sa kanilang unang pagkikita sa 2003 SEA Games sa
Ngunit nakabawi si Tipon sa kanilang semifinal encounter ni Petchkoom sa Asian Games sa Doha noong 2006, matapos manalo via tiebreak bago dimolisahin si Korean Han Soon Chul para makopo ang gold medal.
Ngunit inalat si Tipon pagkatapos ng kanyang tagumpay sa Asiad kung saan natalo siya sa national championship at yumukod kay Petchkoom sa world championships noong November.
Ngunit malaki ang pinagbago ni Tipon sa nagdaang dalawang buwan at ang kanyang dalawang panalo para makarating sa crucial match bukas ay nagpapa-kita ng kanyang kahandaan para sa laban nito sa 54-kg division.
“Paghahandaan ko ang laban na ito. Hindi lang talunin siya kundi manalo rin ng gold,” ani Tipon na siya na lamang natitira sa five-man RP Smart-PLDT boxing team matapos masibak sina flyweight Violito Payla, featherweight Orlando Tacuyan Jr., lightweight Genebert Basadre at lightwelter Adam Fiel sa kaagahan ng torneo. (DANTE NAVARRO)
- Latest
- Trending