UE, UST nangunguna sa UAAP Jrs. volleyball

Na-sweep ng reigning boys titlist University of the East ang lahat ng kanilang first round assignments, habang nakumpleto naman ng University of Santo Tomas ang three-game sweep sa girls division ng UAAP juniors volleyball tournament nitong weekend sa UE Gym.

Tinalo ng Junior Red Shirts ang Tiger Cubs, 25-18, 25-20, 25-20, para sa 4-0 slate, habang iginupo ng Junior Tigresses ang defending girls champion Junior Red Skirts, 25-22, 13-25, 14-25, 25-20, 15-7, sa rematch ng Season 69 finals.

Nagtapos ang La Salle-Zobel na second sa likod ng UE sa boys standings na may 3-1 slate matapos magposte ng 29-27, 25-23, 25-20 panalo sa Ateneo.

Bunga ng dalawang sunod na talo, nalaglag ang Blue Eaglets (2-2) sa third.

Ang UST ay fourth sa hawak na 1-3 slate, habang bokya naman ang UP Integrated School.

Nakuha naman ng Junior Red Skirts ang second spot sa girls division na may 2-1 mark, at No. 3 ang Junior Lady Archers na may 1-2 record  at wala pang panalo ang Junior Lady Maroons  sa tatlong laro.

Samantala, nangunguna naman ang Ateneo men’s at women’s teams sa football standings matapos ang first round noong Linggo sa Ateneo field.

Umiskor si Gino Tingson sa ika-28th minuto ng goal para maungusan ng Blue Booters ang Red Warriors, 1-0, para sa 4-0-1 (win-draw-loss) record na may 12 points.

Nagtapos ang laban ng Ateneo at La Salle sa scoreless draw, ngunit nanatili sa tuktok ng standings ang Katipunan lady booters na may 2-2-0 win-draw-loss slate para sa kabuuang eight points.

Nagtabla naman ang UST at Far Eastern University sa 2-2 habang ang laban ng La Salle at UP ay natapos din sa scoreless draw.

Umiskor naman si reigning MVP Ruchelle Latap ng tatlong goals, nang ilampaso ng Lady Tamaraws ang Lady Maroons, 7-1, sa women’s match.

Sa baseball, nanalo ang Adamson sa UST, 5-3 at University of the Philippines sa Ateneo, 11-0.

Show comments