Dilema, PSA Jockey of the Year
Nakopo nina veteran jockey Patricio Dilema at local galloper Es Twenty Six ang top awards sa horse racing para makasama sa natatanging 2007 achievers na paparangalan sa San Miguel Corp. Philippine Sportswriters Association (PSA) annual awards rites Na nakatakda sa Feb. 16 sa SM Mall of Asia.
Tinalo ng 31-gulang na si Dilema ang nanalo noong nakaraang taon na si Jonathan Hernandez at Jesse Guce para sa kanyang ikaanim na Jockey of the Year plum, matapos magtala ng 225 wins sa 875 rides para sa kabuuang P52,604,269.69 winnings.
Si Dilema na tinatawag na Patti ng kanyang malalapit na kaibigan ay nagtala rin ng 158 second, 138 third at 91 fourth place finishes para talunin si Hernandez na may P48,865,747.25 ( 205 wins) bilang runner-up at Guce na may P43,898,846.55 para sa third (152 wins).
Nanalo naman si Es Twenty Six, isang tatlong taong gulang na sinanay ni Dave dela Cruz para sa businessman na si Nery Sunga, sa four-way battle para sa Horse of the Year award, kina juvenile champion Indelible Ink, Presidential Gold Cup winner Native Land at two-leg Triple Crown winner Ibarra.
Tatanggap sila Dilema at Es Twenty Six ng major awards mula sa grupo ng mga media practitioners na kumukober ng sports beat sa Awards rite na suportado rin ng Shakey’s, Philippine Sports Commission, Pagcor at Accel.
- Latest
- Trending