^

PSN Palaro

Viloria asam na makabalik sa pedestal

-

Isang dating world light flyweight champion ang muling eeksena sa hangaring makilala muli sa world boxing scene. 

Makakasagupa ni Brian “The Filipino Punch” Viloria, dating light flyweight ruler ng World Boxing Council (WBC), si Jose Garcia Bernal ng Colombia sa Enero 4 sa Alameda Swap Meet sa Los Angeles, California. 

Hangad ng 27-anyos na si Viloria na makabalik sa pedestal matapos maagawan ng korona ni Mexican Omar Nino noong Agosto 10 ng 2006 via unanimous decision.

Nagkaroon pa si Viloria ng pagkakataon na muling maku-ha ang kanyang WBC crown noong Abril 14 ng 2007 ngunit natalo kay Mexican Edgar Sosa mula sa isang unanimous decision sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Ito ang unang pagkakataon na muling aakyat sa ibabaw ng boxing ring ang pambato ng Ilocos Norte matapos ang naturang pagkatalo kay Sosa, ang kasalukuyang WBC light flyweight king. 

Ibabandera ni Viloria, dating hinawakan ni American trainer Freddie Roach, ang kanyang 19-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 12 KOs, habang dadalhin naman ng 37-anyos na si Bernal ang 27-9-1 18 (KOs) slate.

Nakuha ni Viloria, miyem-bro ng US Olympic Team noong 2000 sa Sydney, Australia, ang WBC title noong 2005 matapos umiskor ng isang first round knockout kay Mexican Eric Ortiz.

Nanggaling naman si Bernal sa pagkatalo matapos bumagsak sa 12th round KO kay Juan Mercedes noong Oktubre 12 sa San Juan, Puerto Rico bago harapin si Viloria. (Russell Cadayona)

ALAMEDA SWAP MEET

BERNAL

FILIPINO PUNCH

FREDDIE ROACH

ILOCOS NORTE

JOSE GARCIA BERNAL

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with