Starmen pinakamapanganib na kalaban
Ipinaramdam ng The Philippine STAR na sila ang pinaka-mapanganib na kalaban sa conference na ito nang kanilang ipalasap ang unang kabiguan ng Elite Surveyors, 87-76 nitong Sabado sa Guadalupe Sports Complex sa Makati City.
Ang panalo ay nagpanatili sa imakuladang katayuan ng Starmen taglay ang 5-0 record at ang natatanging koponan na walang talo sa Glassetched-sponsored trophy ngayong taong Corpball Popoy’s Grill Director’s Cup.
Pinangunahan ni ‘Super’ Mario Geocada, ang di gaanong kilalang forward ng The STAR ang atake ng koponan sa pagposte ng team-high 22 puntos at bukod pa ang paghatak ng 9 rebounds kung saan siya rin ang gumiba sa kamador ng Elite na sina Mon Jose at Deblois.
Dahil sa pressured na dama sa depensa ni Geocada, tumapos lamang si Jose ng 10 puntos, habang si Deblois, ang 2nd leading scorer ng koponan at nagtala lamang ng 11 puntos.
Nakakuha rin ang STARmen ng malaking tulong mula sa sentrong si Bong Martinez na nag-ambag ng 15 puntos, habang sina Gerard Ortega aty ‘Dynamic’ Dennis Rodriguez ay kumana ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nauna rito, pinangunahan ni Rodriguez ang Starmen sa pagpapayukod sa Popoy’s Grill Kings, 115-85 noong nakaraang Biyernes sa likod ng kanyang 26 puntos.
- Latest
- Trending























