^

PSN Palaro

RP boxers handang nang sumabak

-

Matapos ang hindi magandang karanasan sa Thailand, handa pa ring sumabak sa aksiyon ang Smart-PLDT boxing team sa First Asian Olympic qualifying na nakatakda sa Enero sa susunod na taon sa Bangkok.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Manny Lopez, pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philippines, na mapapanatili ng Nationals ang pagwagayway ng Pambansang bandila para sa paghahangad ng puwesto sa 2008 Beijing Olympics.

Nakasiguro na si lightflyweight Harry Tanamor ng slot sa Beijing matapos ang silver medal na tinapos sa AIBA World Boxing Championships sa Chicago noong Nobyembre.

‘We’re ready to do battle against Asia’s best boxers in Bangkok,” ani Lopez, na malakas na miyembro ng AIBA executive commission at secretary-general ito ng Federation of Asian Amateur Boxing.

Ayaw magkomento ni Lopez kung ilang bilang ng Filipino boxers ang maaaring makakuha ng slot sa Bangkok, ngunit idiniin na doble trabaho ang ginagawa ng coaching staff na pinamumunuan ni Pat Gaspi para masiguro na ang pinakamahuhusay na miyembro ng national pool ang lalahok sa Bangkok. Ihohost naman ng Kazakshtan ang ikalawa at pinal na Asian Olympic Qualifying sa Marso.

Habang pinasasalamatan si Smart-PLDT chairman Manny V. Pangilinan sa kanyang malaking suporta, idiniin din ni Lopez na pinipigilan ng ABAP ang kanilang mithiin na wakasan ang pagkauhaw ng bansa sa gold-medal sa Olympics.

“What we did in SEA Games is a wake up call. The protest move was a call for change in amateur boxing which has been arred by biased, irresponsible and unsportmanlike conduct by some officials in the past two decades. Our move was well-received by other countries fed up with the old system,” ani Lopez.

Kumpiyansa rin si Lopez na mabibigyan ng parehas na tawag ang Nationals sa laban nila sa Bangkok.  

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING

BEIJING OLYMPICS

CITY

LOPEZ

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with