^

PSN Palaro

RP riders bandera sa Tour of Thailand

-

Nabigo ang national road cycling team na pina-ngunahan ni Victor Espi-ritu sa gold medal sa nakaraang 24th Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima, ngu-nit nakatuon ang kanyang atensiyon sa ikaanim na stage ng 2007 Tour of Thailand.

Pagkatapos ng 214.10-km fourth stage tampok ang 1,200-meter sa northern Thailand, nangunguna ang nationals sa team overall general classification sa na-likom na oras na 44 hours, nine minutes at 24 se-conds na sinusundan ng Japan A (44:13:01) at Thailand A (44:17:08).

May kabuuang 17 teams ang nagsimula sa Union Cycliste Internatio-nale-sanctioned race ngunit pagkatapos ng fourth stage, may 13 teams na lamang ang natitira.

Ang mga teams mula sa Denmark, Germany, The Netherlands at Slova-kia ay nakikibahagi sa multi-stage race na siyang signature cycling competition ng Thailand.

Ang nakakabilib sa kampanya ng nationals ay ang second place finish ng  rookie internationalist na si Irish Valenzuela sa first stage at veteran Warren Davadilla sa second stage.

Ang PhilCycling team na minamando ni coach  Jomel Lorenzo at inaasis-tehan ni Dindo Quirimit at Dante Valdes, ay binubuo din nina Lloyd Reynante at Ronald Gorantes.

Kung ipagpapatuloy ng nationals ang kanilang magandang takbo sa huling dalawang yugto ng karera sa Huwebes at Biyernes, sila ang tatang-haling overall general classification at Asean team champions.

DANTE VALDES

DINDO QUIRIMIT

IRISH VALENZUELA

JAPAN A

JOMEL LORENZO

LLOYD REYNANTE

NAKHON RATCHASIMA

RONALD GORANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with