Kahihiyan
Mas malaking kahihiyan ang paglansag ng ating mga atleta sa Southeast Asian Games, sa bingit ng pagkuha ng gintong medalya. Bagamat talamak nga ang dayaan, ang di pagsali ay tanda ng kaduwagan.
May karapatan ngang magalit si Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez, dahil pinaghirapan din niyang suportahan ang ating mga atleta, at pera ng bayan ang ginamit para lamang mabigyan ng magandang pagkakataong lumaban ang mga atleta natin. Tapos, itatapon lamang dahil sa pananaw natin, wala tayong laban kontra dayaan.
Ano ba ang onorableng gawin na panatiliin ang ating dignidad at hindi magmukhang pikon? Mas mainam siguro kung naghain muna ng protesta bago lumaban, nang sa gayon ay nasa rekord na ng SEA Games na may angal tayo. Mapapanood naman ang video ng mga laban, at mahuhusgahan kung talagang may kalokohang nangyayari. Pero kung di ka lalaban, anong pruweba mo na dadayain ka?
Pangalawa, puwedeng lumaban tayo, at hindi na tanggapin ang pilak na medalya dahil may nakahaing protesta. Kung inyong matatandaan, ang 1972 Olympic basketball team ng Amerika ay dinaya nang dalawang beses dagdagan ang oras. Dahil dito, makaiskor pa ang
Iyan na ba talaga ang kultura ng Pilipino, umangal at gumawa ng sariling kilos labas sa grupo? Nakikita natin ito sa buong mundo. Tuwing nagkakaroon ng eleksyon ang mga iba-ibang organisasyong Pilipino sa ibang bansa, ang mga natatalong kandidato ay tumitiwalag at bumubuo ng sariling grupo kung saan sila ang hari.
Tutoo, malaki ang problema sa pagpapatakbo ng SEA Games, mula sa pagpili ng events hanggang sa mismong mga disisyon na batayan ng pagwawagi o pagkatalo. Subalit ang di-pagsunod sa mga patakaran ay hindi solusyon. Ang mangayayari nito ay tuwing may problema tayo sa mga judges o organizers, aalis na lang ba tayo? Paano naman yung pinaghirapan ng mga atleta natin? Bakit nakayanan ni Annalisa Albania na magwagi sa women’s boxing?
Iyon ang dapat sipating mabuti, kung talaga bang handa tayo. Binantaan na nga tayong gagantihan tayo, tapos para tayong nagugulat. Kung halimbawa, lahat ba ng boksingero natin ay handang patulugin ang kalaban, di magiging maliit na problema lamang ito.
Hinayaan nating mailagay ang kapalaran natin sa kamay ng mga kalaban, at umaangal tayo?
- Latest
- Trending