^

PSN Palaro

May pahabol na gold ang divers

-

NAKHON Ratchasima -- Hanggang sa huling sandali sinikap nina Ryan Rexel Fabriga at Jaime Asok na makapaghandog ng gintong medalya para maisalba ang kampanya ng bansa ng maungusan nila ang Vietnam para sa gintong medalya ng 10m synchronized competition sa pagtatapos ng diving event dito.

Pumapangalawa lamang sa likuran ng 3 puntos na abante ng tambalan nina Nguyen Min at Vu Anh Duy, isang mahusay na 2 1/2 sommersault na patalikod at 1 twist ang nagbigay sa kanila ng 78.94 na iskor na naging sapat para sa gintong medalya.

Sa kabuuan, nakaipon ang Pinoy divers ng 376.72 at ilaglag sa ikalawa at silver medal ang Vietnamese.

Nakuha naman ng Indonesian pair nina Mohammad Nasrullah at Zaidi Noor ang bronze.

“Medyo kinakabahan ako dahil pareho sila ng routine noong mga Vietnamese. Buti na lang, bumaba yong score nila at tayo umangat,” wika ni Rommel Kong, na member ng RP coaching staff.

“Masaya na rin ako dahil nakaisa kami ni Jaime,” wika naman ng 22 anyos na Davaoenong si Farbiga na nakasilver lamang sa men’s 10m platform kamakalawa.

“Talagang pinagbutihan ko ito. Matagal din ang paghihirap kong makabalik,” anaman ni Asok, na taga-Davao din. “Mas masaya ako sa pagkapanalong ito kaysa sa Vietnam. Alam ko ang pinagdaanan ko para makamit ang ginto muli,”  dagdag pa ni Asok, na katambal din si Fabriga sa pagsisid ng gintong medalya noong 2003 edition ng SEA Games.

 Sa kabuuan, tinapos ng Pinoy divers ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 2 golds, 4 silvers at one bronze kumpara sa 4-1-2 nila noong 2005 sa Manila.(DMVillena)

JAIME ASOK

MOHAMMAD NASRULLAH

NGUYEN MIN

PINOY

ROMMEL KONG

RYAN REXEL FABRIGA

VU ANH DUY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with