^

PSN Palaro

RP Blu Boys umusad sa finals matapos ang 2 wins

-

NAKHON RATCHASIMA  -Pinanindigan ng RP Blu Girls ang kanilang pananalasa at pagtala ng record makaraang igupo ang Singapore habang umiskor naman ang RP Blu Boys ng mahigpit na panalo laban sa Indonesia sa Page system semifinals kahapon at iposte ang double-sweep sa 24th Southeast Asian Games softball sa Rajabhat University dito.

Lalarga ang pamosong softball team sa championship ngayon.

Nakatuntong sa finals ang Blu Girls sa isa pang pinaikling panalo laban sa Singaporeans na kanilang binokya sa apat at kalahating innings.

Umiskor ng apat na RBIs si Diane Macasu patungo sa 3-on-3 habang naghagis ng one-hitter nang bugbugin ng Blu Girls ang Singaporeans, 7-0, matapos walisin ang tatlong laro sa elims sa pamamagitan ng mercy rule. 

“If given the chance, well go for another abbreviated game tomorrow for an even better record for the Philippine softball” wika ni RP team women’s coach Ana Santiago.

Sa kabilang dako naman sumandal ang Blu Boys sa one-homer ni Ben Maraveles at Jasper Cabrera para muling igupo ang Indonesia at makarating sa finals.

Hawak ng Blu Boys ang 2-1 abante nang isagawa  ni Cabrera ang kanyang homerun na nagbigay ng 2-run sa ikaanim na inning.

“The Indons put up some challenge but the boys proved we are a team on a higher level,” wika  ni coach Isaac Bacarisas.

Maagang ipinadama ng Blu Girls ang kanilang lakas nang tatlong home runs kaagad ang kanilang binanatan na tinampukan ng triple ni Macasu na nagdala kina Belen Asok at Esmeralda Tayag. At nagsagawa ng 3-0 sa huling inning habang naka-single si Emily Tayag. (DMVillena)

ANA SANTIAGO

BELEN ASOK

BEN MARAVELES

BLU

BLU BOYS

BLU GIRLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with