Triple double kinana ni Norwood

Itinala ng Fil-Am na si Gabe Norwood ang kauna-unahang triple double ng liga nang muling igi-nupo ng Hapee Toothpaste ang Harbour Centre, 93-85 upang makopo ang No. 1 spot sa 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup na nag-patuloy sa The Arena sa San Juan.

Nagsumite ang 6-foot-5 na si Norwood ng 14 points, 11 rebounds at 10 assists upang manatiling walang talo ang Hapee Complete Protectors na sumulong sa ikawalong sunod na panalo.

Anuman ang mang-yari sa laban ng Hapee kontra sa  San Mig Coffee sa Martes, nakaka-siguro na ang Complete Protectors ng top spot sa semis.

Isang 16-0 run ang pinakawalan ng Hapee tungo sa 77-55 pangunguna, isang minuto na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Nagposte ng 39-puntos ang Complete Protectors sa ikatlong quarter ang sumunod sa 41 points ng Rica Hotdogs noong 1993. Ang 11-assists ni Norwood ang conference high mata-pos itong magtala ng 9 sa kanilang unang panalo sa Harbour Centre noong Nov. 13.

Sa unang laro, huma-taw naman sa ikaapat na quarter ang Mail & More upang igupo ang Bacchus Energy Drink, 76-73, na nagpalakas ng kanilang tsansa sa quarterfinals.

Show comments