Reyes, Corteza, Kiamco nagparamdam

Maagang nagparam-dam ng lakas sina Filipino pool maestro Efren “Bata” Reyes, kinikilalang greatest player of all time, defending champion Lee Vann  Corteza at Warren  Kiamco matapos igupo ang kani-kanilang kalaban sa pagbubukas ng 40th All Japan Championships 2007 sa Hotel New Archaic Hall sa Amaga-sakishi, Hyogo, Japan nitong Miyerkules.

Tinalo ng 53 anyos na si Reyes sina D. Enami at Y. Morino ng Japan, na-ngibabaw naman ang 28 anyos na si Corteza kina T. Haraguchi ng Japan at 2007 Guinness Asian 9-Ball tour over-all grand finale champion Chang Jung-lin ng Taiwan, ayon sa pagkakasunod.

Nanaig naman ang 38 anyos na si Kiamco kina K. Suzuki at A. Shiraiwa ng Japan para patuloy na itaas ang bandila ng Pilipinas sa event sa double elimination format ayon sa official website kaha-pon.

Show comments