^

PSN Palaro

Win No. 3 tangka ng Lady Stags

-

Sasagupain ng San Sebastian College ang Lyceum ngayon tangka ang ikatlong sunod na panalo at solong pamumuno habang hangad naman ng Ateneo na makabawi sa masaklap na kabiguan sa pakikipagharap sa Letran sa  Shakey’s V-League Second Conference sa The Arena sa San Juan.

Matapos ang straight-set win laban sa dating walang talong Adamson at isang matensiyong five-setter win kontra sa Ateneo, paborito na ang SSC tossers laban sa Lady Pirates sa alas-5:00 ng hapong sagupaan kung saan inaasahang muling babandera sa team ang Thai import na si Jaroensri Bualee.

Nagpakawala si Bualee ng 29 kills upang sapawan ang kanyang kababayang si Lithawat Kesinee ng Ateneo Lady Eagles sa kanilang kapana-panabik na laban noong Martes na pinagwagian ng Lady Stags sa 18-25, 25-23, 29-27, 20-25, 15-7, ang kanilang ikalawang sunod sa liga na sponsored ng Shakey’s Pizza.

Kontra sa Lyceum, SSC inaasahang magiging madali ang kanilang panalo dahil wala pang marka sa win-column ang  Lady Pirates, ang third placers sa first conference.

Inaasahang mabibigyang inspirasyon ng guest player na si Estrelita Enriquez sina Beverly Boto, Dahlia Cruz, Sherrilyn Carillo, Kathleen Jarin at Raquel Ancheta upang manatiling buhay ang kanilang tsansa semifinal sa torneong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Mikasa, Accel, 100Plus Isotonic Drink at Active White Skin whitening products.

Pinapaboran ding manalo ang Ateneo kontra sa bokya pa ring Letran sa alas-3:00 ng hapong sagupaan.

vuukle comment

ACTIVE WHITE SKIN

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

BEVERLY BOTO

DAHLIA CRUZ

ESTRELITA ENRIQUEZ

JAROENSRI BUALEE

KATHLEEN JARIN

LADY PIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with