Sa bagong officiating na ipinatutupad sa liga, madaling naka-pag-adjusts ang dating MVP na si James Yap, upang banderahan ang dalawang sunod na panalo ng Purefoods para manguna sa kasaluku-yang PBA Smart Philippine Cup.
Nag-averaged si Yap ng 26.5 points sa panalo ng Purefoods kontra sa Sta. Lucia, 96-89 at Talk N Text, 112-97 na siyang dahilan para mapili itong Smart-Accel Player of the Week para sa linggong Oct. 14-21 ng PBA Press Corps.
Tinalo ni Yap sina Danny Seigle ng Magnolia na nag-average ng 23.0 points at ang reigning MVP na si Willie Miller na nag-average ng 34.0 point ngunit walang naipanalo ang kanyang team na Alaska sa unang dalawang laro.
Naging biktma rin si Yap ng ‘relax rules’ ng PBA nang makainitan nito si Norman Gonzales ng Sta. Lucia sa kanilang sagupaan.