Telan At Buenafe Swak Sa Coke
Mukhang nailagay na ni coach Binky Favis ang finishing touches sa Coca-Cola Tigers at titindi na ang atungal ng kanyang koponan sa 33rd season ng Philippine Basketball Association.
Sina Ronjay Buenafe at Mark Clemence Telan ang siyang pinakamahalagang pre-season acquisitions ng Tigers. Ito’y kitang-kita sa unang game ng Coca-Cola kung saan tinalo nito ang Welcoat Dragons, 85-76.
Sa larong iyon ay nagtala na 16 puntos si Buenafe. Bukod doon ay mayroon din siyang limang rebounds at dalawang assists. Sa kabilang dako, si Telan ay mayroong 12 puntos, 14 rebounds at isang steal.
Maraming bumilib kay Buenafe na nasungkit lang ng Coca-Cola sa second round ng 2007 Rookie Draft. Nag-iisip tuloy ang karamihan kung bakit siya pinalampas ng mga ibang koponang unang pumili kaysa sa Coca-Cola.
Si Buenafe ay isang produkto ng
Kasi nga’y higit na napapag-usapan ang kanyang kapatid na si Ryan Buenafe na siyang Most Valuable Player ng Junior division ng NCAA kung saan naglalaro siya sa San Sebastian Staglets na nakakumpleto ng three-peat. Katunayan, ang nakababatang Buenafe ay pinag-aagawan ng ilang collegiate teams at baka mapunta sa Ateneo Blue Eagles.
Si Telan naman ay nagmimistulang journeyman. Una siyang naglaro sa Tanduay Rhum bago nalipat sa Shell Velocity kung saan nabigyan siya ng break at naitanghal na Most Improved Player. Nang magdisband ang Shell ay napunta si Telan sa Talk N Text bago ipinamigay naman sa Air 21 sa kalagitnaan ng nakaraang season. At ngayo’y heto na siya sa Coca-Cola na siyang panglimang koponan niya sa pro league.
Well okay lang siguro kahit na mataguriang journeyman si Telan. At least may gustong kumuha sa kanya na mayroon pa siyang value. May nagtitiwala pa sa kanya.
At si Favis nga iyon. Naniniwala si Favis na malaki ang maitutulong ni Telan sa Tigers dahil sa kailangan talaga nila ng isa pang big man.
Noon kasing nakaraang season, matapos na maipamigay sina Rudy Hatfield, Rafi Reavis at Billy Mamaril sa Barangay Ginebra ay tanging si Ali Peek ang natirang legitimate rebounder sa poder ng Tigers.
Aba’y kahit na anong galing ni Peek, mahihirapan siya kung walang karelyebo. At ngayon, heto na si Telan na makakatulong niya sa “division of labor.”
- Latest
- Trending