^

PSN Palaro

Cavs tinuhog ang 11-0 season start

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND — Humakot si Evan Mobley ng 23 points at 16 rebounds sa 105-100 panalo ng Cavaliers sa Brooklyn Nets at maging ika-12 team sa NBA history na nagtala ng 11-0 season start.

Ang 2015-’16 Golden State Warriors team ang may hawak ng league record na 24-0, ngunit natalo sila sa Cleveland sa NBA Finals.

Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 22 markers habang may 20 points si Darius Garland para sa pa­nanalasa ng Cavaliers.

Binanderahan ni Cam Johnson ang Nets (4-6) sa kanyang 23 points kasunod ang tig-22 markers nina Dennis Schroder at Cam Thomas.

Bumangon ang Brooklyn mula sa isang 15-point deficit sa second quarter at nilimitahan ang Cleveland sa season-low 13 points sa third period kung saan umiskor sina Johnson at Thomas ng pinagsamang 19 markers.

Ang three-point shot ni Johnson sa huling 4:23 minuto ng laro ang nagbigay sa Nets ng 96-89 kalamangan kasunod ang 10-0 atake ng Cavaliers para agawin ang panalo.

Sa San Antonio, umiskor si Collin Sexton ng 23 points habang may 20 points si Lauri Markkanen sa 111-110 pagtakas ng Utah Jazz (2-7) sa Spurs (4-6).

Sa Inglewood, California, kumolekta si James Harden ng 24 points at 12 rebounds para banderahan ang Los Angeles Clippers (6-4) sa 105-103 pag-eskapo sa Toronto Raptors (2-8).

EVAN MOBLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with