Isang malaking victory party ang inihanda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ng matagal nang kaibigan ni Manny “Pacman” Pacquiao na si Secretary Lito Atienza, sa pagdating ng Pambansang Kamao ngayong umaga.
Galing sa kanyang tagumpay kontra kay Marco Antonio Barrera, darating ngayong alas-4:30 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan personal itong susunduin ni Secretary Atienza na nanood ng panalo ni Pacquiao kay Barera sa Mandalay Bay, Las Vegas noong Sabado.
Sa alas-8:30 ng umaga, magbibigay si Pacquiao ng courtesy call kay Secretary Atienza sa DENR Main Office sa Visayas Avenue sa Quezon City libu-libong employees, fans at kaibigan ang sasalubong sa World Boxing Council (WBC) Super Featherweight Champion at magpapaulan ng confetti.
Samantala, wala nang masasaksihang parada o motorcade sa pagdating ng Team Pacquiao ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim tulad ng isinagawa ni dating Manila Mayor Lito Atienza matapos nitong i-adopt bilang anak ng Maynila si Pacman.