591-atleta ang isasabak sa Thailand SEAG
Hanggang 591 lamang ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas para sa darating na 24th Southeast Asian Games sa
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Sports Commissioner Richie Garcia, co-chairman ng binuong SEA Games Task Force, para sa komposisyon ng delegasyon sa naturang biennial event.
“We have to come out with this number para makaabot tayo sa deadline set by the organizing committee,” wika ni Garcia sa naturang bilang ng national contingent para sa 2007
Nilinaw ni Garcia na hindi na mababago pa ang 591 na bilang ng mga national athletes na lalahok sa biennial event. “As far as we are concerned, that is the final number but we can still make some changes regarding the names pero ‘yung number hindi na mababago,” sabi ng SEA Games Task Force official.
Nakatakdang idepensa ng Team Philippines ang overall championship na nakuha nila noong 2005 SEA Games mula sa 112 gold, 84 silver at 94 bronze medals.
Samantala, pinutol naman ng Vietnam, ang 2003 SEA Games overall titlist, ang kanilang delegasyon sa 600 mula sa naunang 700 sa hangaring tanging mga potensyal na gold medalists lamang ang maipadala sa Thailand.
Target ng
- Latest
- Trending