GCAS iho-host ng Ilocos Norte
Tinanggap ni Ilocos Norte governor Michael M. Keon ang proposal ni Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez sa paglulunsad ng pamahalaan sa Grassroots Coaches Accredition System (GCAS) sa Ilocos Norte na may adhikaing gawing matatag na base ang mga mahuhusay at handang gumanap na coach sa bansa.
Ang GCAS ay isang scholarship program na para maabot ang grassroot coaches sa buong bansa para maitatag ang sistematikong acrreditation program.
Ito ay may three-level approach sa isasagawa sa multi-discipline sports related general education coursed at maging ng sports science at sports medicine courses. At ito ang insitusyon ng cutting edge program na iikot sa coaching profession sa bansa.
At sa pormal na pagtanggap ni Keon, sinabi nitong “I am glad in renewing my partnership in developing sports in the country.”
Ang Ilocos Norte ang napiling lugar na magho-host ng GCAS Tier 1 course.
At sa naturang rehiyon kung saan kilala si Keon bilang sports authority bukod sa pagiging bagong halal na gobernador.
“With Keon sponsoring the GCAS program, I am quite sure that it will be a success as Keon is a known sports authority” pahayag naman ni Ramirez.
Sa ngayon, nagsasagawa si Geraldin Paderon, bagong Ilocos Norte Sports Development Officer ng dalawang buwan na training para sa mga swimmer ng rehiyon sa kooperasyon ni PASA president Mark Joseph. (Anatoly dela Cruz)
- Latest
- Trending




















