^

PSN Palaro

Kaispar ni Pacquiao napuruhan

- Ni Russell Cadayona -

Isang left hook ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa rib cage ni lightweight sparmate David Rodela sa third round ang nagtulak sa Mexican na humingi ng timeout. 

“Talagang napuruhan si Rodela sa suntok ni Manny. Napaupo siya at nawalan ng hangin sa bodega,” sabi ng kanyang kumpareng si Gerry Peñalosa sa napanood niyang sparring nina Pacquiao at Rodela kahapon sa RWS Boxing Gym sa Cebu City

Inaasahan ni American trainer Freddie Roach na mas magiging mabagsik pa ang 28-anyos na tubong General Santos City sa unti-unting pag-init ng kanyang training para sa kanilang rematch ni Mexican boxing great Marco Antonio Barrera sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada. 

Bukod kay Rodela, dalawa pang Mexican sparmates ang makaka-engkuwentro ni Pacquiao, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) International super featherweight champion. 

Nakatakdang dumating kahapon si Fernando Beltran Jr. sa Cebu City kasunod naman si Speedy Gonzales ngayong araw. 

“Kilala ko na ‘yang si Speedy Gonzales. Magandang ka-sparring ‘yan dahil siya ang naging partner ko sa training ko sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Los Angeles.

Makakatulong siya kay Manny,” ani Peñalosa, ang bagong World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist. 

Tamang-tama naman sa kanilang iskedyul ang training ni Pacquiao, dagdag ni Roach. 

“We’re pretty much ahead of schedule. Manny is at point where we want him to be. We’re doing some new stuff, and we should be ready when we fly to Los Angeles on September 22 together with the people who need to be with us in the trip,” wika ni Roach. 

Dalawang Japanese fighters naman ang kinuha ng 33-anyos na si Barrera bilang sparmates sa katauhan nina super featherweight Takahiro Aoh (15-0-8KOs) at Yoshimitsu Yashiro (18-0, 10 KOs).

FREDDIE ROACH

LOS ANGELES

PACQUIAO

PLACE

RODELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with