Corteza, kampeon sa NY 9-Ball

Nagkampeon si Pinoy cue artist Lee Vann Corteza sa IX Turning Stone Classic 9-ball tournament kaha-pon  sa Turning Stone and Casino sa Verona, New York.

Dinaig ng 28-year-old na si Corteza si Louie Ulrich ng San Diego, California, 13-7, sa finals para maibulsa ang top prize US$8,000.

Nakopo naman ni Ulrich ang US$5,300 para sa second place.  Tumapos naman na ikatlo ang isa pang Pinoy, si  Dennis Orcollo, at nag-uwi ng US $3,800.

Agad nagpakita ng kanyang tikas si Corteza, nang iwanan niya sa 12-2 iskor si Ulrich sa kanilang race-to-13 event na inorganisa ni Mike Zuglan.

Ngunit nakabangon sa 15th frame si Ulrich nang mag-scratch si Corteza at hakutin ang limang round na racks para maidikit ang laban sa 12-7.

Ngunit tila naayon ang kapalaran kay Corteza nang sa sargo ni Ulrich sa 20th racks ay walang pumasok na bola at tulu-yang tumbukin ng Pinoy ace ang tagumpay.

Naunang tinalo ni Corteza sina Redgie Cutler 9-6,  Holden Chin 9-1,  Mike Dechaine 9-6,  Tony Chohan 9-3 at Tony Robles 9-2 bago yumuko sa kababayang si Orcollo 9--6 sa sixth round ng winner’s brackets.

Hinamon niya sa finals si Ulrich nang makaba-ngon ito sa loser’s bracket makaraang igupo sina Niels Feijen 9-3,Ralf Souquet 9 -5 at Orcollo 9-2 para hamunin sa finals si Ulrich.

Samantala, natalo na-man ang 28 taong gulang na si Orcollo kay Ulrich 9-6 sa hot seat match at tuluyang nasipa sa 128 player’s field ng matalo kay Corteza, 9-2 sa dala-wang beses nilang pag-haharap sa one-loss side.

Show comments