^

PSN Palaro

Malinis pa rin ang East

-

Hindi pa rin mapigilan ang pananalasa ng University of the East nang kanilang itala ang ikasiyam na sunod na panalo nang muli nilang igupo ang defending champion University of Santo Tomas, 99-82 sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng eliminations ng UAAP men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome kahapon.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng UE Red Warriors na makatikim ang UST Tigers ng kalamangan upang mapanatiling malinis ang kanilang katayuan.

Ang kanilang 9-0 record ay ang pinakamagandang kartada ng East sa loob ng 21 taon na huli nilang nagawa noong 1986 sa ilalim ni coach Johnny Revilla.

“We won because of our rebounding, we know that UST is the No. 1 team in rebounds and I told them to limit them from getting those boards,” sabi ni UE coach Dindo Pumaren.

Nagbanta ang Santo Tomas sa 72-79 matapos ang lay-up ni Japs Cuan ngunit sinira ng East ang plano ng Tigers na dungisan ang kanilang malinis na record nang pakawalan nila ang 7-0 run para makalayo sa 86-72 papasok sa huling 2:57 minuto ng laro.

Nalasap ng Uste ang kanilang ikaapat na talo sa siyam na laro na sumira sa kanilang back-to-back wins kontra sa Ateneo at La Salle.

Sa ikalawang laro, nasolo ng De La Salle University ang ikalawang puwesto taglay ang 6-3 record matapos igupo ang Far Eastern University, 74-66.Katabla ng FEU Tamaraws ang Tigers sa 5-3 record.(Mbalbuena)

CUNETA ASTRODOME

DE LA SALLE UNIVERSITY

DINDO PUMAREN

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAPS CUAN

JOHNNY REVILLA

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with