Pag-asa ng Welcoat na kay Devance
“We felt that he (De-vance) is the logical choice, because he is the complete package (among the prospects),” ani coach Leo Austria ng Welcoat. “He can play both ends, and that is very important.”
Umaasa si
“I’m just excited to be here and be able to help the team win a championship,” wika ng 6-foot-7 na si Devance, 25-gulang na produkto ng University of Texas sa
Kinuha naman ng San Miguel ang 6-foot-9 center mula sa Mindanao na si Samigue Eman bilang No. 2 pick at angkop na angkop ang pagkakakuha ng Beermen sa kanya.
“I really wanted to be drafted by this team, because I was named after it,” ani Eman anak ng da-ting nagtatrabaho sa San Miguel.
Surpresa namang kinuha ng Sta. Lucia ang 24-gulang na Fil-Am mula sa
Dalawang dating Ateneo stars naman ang hinugot ng Air21 bilang fourth at fifth pick na sina JC Intal at Doug Kramer.
Sa Express din ang No. 8th pick na ginamit nila kay Yousif Aljamal ng San Beda.
Ang UAAP MVP ng
Ginamit naman ng San Miguel ang kanilang ninth pick kay Jonas Villanueva ng Far Eastern University habang ang huling hinugot sa first round ng Ginebra bilang 10th pick ay isa pang Atenean na si Macky Escalona.
Kailangang magka-roon ng kasunduan ang mga players at mga teams na humugot sa kanila sa loob ng limang araw mula ngayon at kung hindi magkakasundo ay magiging free-agents ang mga players na di maka-kapirma ng kontrata ngu-nit ang mga teams na nag-draft sa kanila ay may rights pa rin sa kanila.
Sa kabuuan, may 17-players lamang ang nakuha mula sa 44-players na nasa pool.
Kinuha ng Coca-Cola si Ronjay Buenafe bilang 11th pick at ang ikaapat na player na kinuha ng Wel-coat sa draft ay ang kali-weteng shooting guard na si Ryan Arana bilang No. 12.
Ang 13th pick ng Sta. Lucia ay si Melvin Mamac-lay at ang ikalimang player na hinugot ng Express ay ang State University point guard Marvin Cruz bilang 14th pick.
Ang UAAP Finals MVP na si Jojo Duncil ng Santo Tomas ay kinuha ng Red Bull ang 15th pick at hindi na ginamit pa ng Bulls ang kanilang 17th pick.
Ang ikatlong player na hinugot ng
Sa kabuuan, ang Air21 ay may anim na players na kinuha sa draft matapos hugutin si Rolly Masbang bilang 20th pick.
Ang Talk N Text na siyang 18th pick ay walang player na na-draft habang hindi na rin ginamit ng Co-ca-Cola ang 19th pick. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending