Kampanya ng Letran Squires lumakas pa

Pinalakas ng Letran ang kanilang kampanya para sa twice-to-beat advantage sa Final Four nang payukurin nila ang host Jose Rizal University, 107-96 sa 83rd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, San Juan.

Kumana ng 34 puntos at humatak ng 12 rebounds si John Noble ha-bang nag-ambag naman ng 21 markers, 8 rebounds at 6 assists si Kevin Alas para palawigin ang panalo ng Squires sa pitong laro.

Sa isa pang laban, pinormalisa na ng defending champion San Se-bastian College ang kani-lang pag-entra sa semifinals nang igupo nila ang  CSB-La Salle Green Hills, 81-76.

Umiskor ng 36 puntos si Ryan Buenafe upang banderahan ang Staglets, na pinaganda ang rekord sa 6-2 at ipalasap naman sa Junior Blazers ang kanilang ikaanim na kabi-guan sa walong laban.

Sa ikatlong laro, na-naig naman ang San Beda laban sa Perpetual Help Dalta, 103-82.

Kumana ng 39 puntos at 19 rebounds si Nicolas Salva para sa ikalimang panalo ng Red Cubs sa walong asignatura.

Show comments